Metadata
Meta description
Basahin ang pahinang ito upang mas malaman kung paano kayo mapoprotektuhan ng mga bakuna laban sa COVID-19 at kung paano namin napag-alaman na ito ay ligtas. Kunin rin ang impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 habang buntis at nagpapasuso.
Title

Tungkol sa bakuna laban sa COVID-19

Page introduction

Basahin ang pahinang ito upang mas malaman kung paano kayo mapoprotektuhan ng mga bakuna laban sa COVID-19 at kung paano namin napag-alaman na ito ay ligtas. Kunin rin ang impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 habang buntis at nagpapasuso.

Generate a table of contents from major headings
Include table of contents
Main content

Bakit magpapabakuna laban sa COVID-19

  • Ang pagbabakuna ay ang pinakaligtas na paraan upang maprotektahan ka at ang iyong pamilya mula sa matinding sakit at kamatayan mula sa COVID-19. Ang pagbabakuna ay nagbibigay ng mas ligtas at mas mahuhulaan na epekto sa immune system kaysa sa impeksyon. Ang pagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring mag-alok ng ilang proteksyon laban sa karamdaman sa hinaharap, ngunit maaaring mag-iba ang antas ng proteksyon. Ang mga bakuna sa COVID-19 ay maaaring magbigay ng karagdagang proteksyon, kahit na sa mga taong nahawaan na ng COVID-19.
  • Ligtas ang mga bakunang COVID-19 Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang lahat ng mga bakunang pinahintulutan ng Food and Drug Administration (FDA) sa hindi bababa sa 3 yugto ng mga klinikal na pagsusuri upang matiyak na ligtas at epektibo ang mga ito. Daan-daang milyong tao ang ligtas na nakatanggap ng mga bakuna sa COVID-19 sa U.S.
  • Walang lunas ang COVID-19 sa ngayon. May mga gamutan para sa COVID-19 ngunit mataas pa rin ang panganib ng malubhang pagkakasakit o pagkamatay ng mga ilang pangkat ng tao. Makipag-usap sa nangangalaga ng iyong kalusugan bago uminom ng kahit anong gamot sa pag-iwas o gamutan ng COVID-19. 
    Mas alamin ang tungkol sa gamutan para sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)
    Kunin ang mga sagot sa iyong mga katanungan tungkol sa gamutan para sa COVID-19 (sa English)

  • Iniuulat ng ilang tao ang mahabang epekto ng COVID-19. Karamihan ng mga tao ay gumagaling pagkatapos ng ilang linggo. Ngunit, may ibang tao na mas mahaba ang nagiging epekto sa kanila. Kabilang dito ang mga sintomas gaya ng pagkahilo, depresyon o pagkaramdam ng sobrang pagod. Maaaring maapektuhan rin ang mga mahahalagang bahagi tulad ng puso o baga. Ang mga epekto ay maaaring mangyari kahit hindi malala ang naging sakit.
    Mas alamin ang mga pangmatagalang epekto ng COVID-19 sa website ng CDC (sa English)
  • Kapag nabakunahan ka laban sa COVID-19, nakakatulong ka sa iyong pamilya, mga kaibigan at komunidad. Kapag sapat ang mga nabakunahan sa isang komunidad, nagkakaroon ang komunidad ng panlaban sa virus. Mas nagiging mahirap para sa virus na kumalat sa bawa’t isa. At napoprotektuhan rin ang mga taong hindi mababakunahan. “Community immunity” ang tawag natin dito.
  • Mas marami kang magagawa matapos kang ganap na mabakunahan. Kabilang dito ang pagbisita sa pamilya. Maaaring kabilang rin dito ang hindi pagsusuot ng panakip maliban na lamang kung inuutos ng batas o ibang patakaran. Maaaring kabilang rin dito ang pagbibiyahe na hindi na kailangan ng pagsusuri para sa COVID-19.
    Basahin ang mga patnubay ng CDC matapos na ganap na mabakunahan (sa English)
  • Makakakuha ka ng libreng bakuna laban sa COVID-19—kahit wala kang segurong pangkalusugan.
    Alamin kung paano makakuha ng libreng bakuna laban sa COVID-19 sa VA 
    Hanapin ang mga bakuna laban sa COVID-19 na malapit sa inyo sa website ng CD (sa English)

Paalala: Nasa sa inyo kung nais ninyong mabakunahan o hindi. Hindi makakaapekto ang inyong desisyon sa iyong pangangalaga ng kalusugan sa VA at sa inyong mga benepisyo sa kahit anong paraan. 


Bisa ng bakuna

Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang 4 na inaprubahan o awtorisadong bakuna sa COVID-19 ng FDA sa libu-libong tao sa mga klinikal na pagsusuri. Kabilang sa mga pagsubok, ang mga taong may iba’t-ibang edad, kasarian, lahi at etnisidad. Patuloy na pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang mga bakuna habang milyun-milyon ang nababakunahan. 

Ipinapakita ng mga resulta kung paano gumagana ang mga bakuna sa mga ganitong paraan:

  • Tumutulong ang bakunang maprotektuhan kayo laban sa COVID-19. Tumutulong ang mga bakunang masanay ang natural na panlaban ng iyong katawan na makilala at labanan ang uri ng sakit, na pasiglahin ang katawan laban sa virus na nagdudulot ng sakit.
  • Kahit na magkaroon ka ng COVID-19, mapoprotektuhan ka pa rin ng bakuna laban sa malubhang sakit. Ang ibig sabihin ng malubhang sakit ay kakailanganing maospital, ng makinang makakatulong sa paghinga o pagkakasakit na maaaring ikamatay.
  • Nag-aalok ang mga bakuna ng magandang proteksyon laban sa karamihan ng mga variant ng COVID-19. Ang mga “variants” ay mga bagong uri ng virus na sanhi ng COVID-19. Kapag napagalaman namin na may ibang klase o variant at hindi mabisa ang kasalukuyang bakuna laban dito, baka kailanganing magpabakuna kayo ulit. Ngunit hindi dapat ito maging hadlang para kayo ay magpabakuna kasama na rin ang magpabooster ngayon. 

Pinag-aaralan pa namin kung gaano katagal ang proteksyon ng bakuna laban sa COVID-19. Pinag-aaralan pa rin namin kung gaano kabisa ang proteksyon ng bakuna na maikalat ang virus na sanhi ng COVID-19. 

Mas alamin ang tungkol sa bisa ng bakuna laban sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Mas alamin kung paano gumagana ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)


Kaligtasan ng bakuna

Narito kung paano namin nalaman na ligtas ang mga bakuna laban sa COVID-19:

  • Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa libu-libong tao na sumubok nito. Ipinakita ng mga pagsubok na walang malubhang ipag-aalala sa kaligtasan nito. Kasama sa mga sumubok ang mga taong may iba’t-ibang edad, kasarian, lahi at etnisidad.
  • Lahat ng kasalukuyang bakuna ay nakatugon sa mataas na pamantayan FDA sa kaligtasan. Bago aprubahan o bigyan ng awtorisasyon ng FDA ang bakuna para gamitin, pinag-aaralan nila ang lahat ng mga datos ng kaligtasan at mga resulta ng mga sumubok nito. Pinag-aaralan din nila ang paraan ng paggawa ng bakuna ng kumpanya. Sinisigurado nila na sumusunod sa pamantayan ng kalidad at kaligtasan ang paggawa.
  • Milyun-milyong tao sa Estados Unidos ang nabakunahan na laban sa COVID-19. Bihira ang problema na may kinalaman sa matinding kaligtasan.
    Mas alamin ang tungkol sa pambihirang problema sa website ng CDC (sa English)
  • Patuloy na sumasailalim ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa pinakamasusing pagsubabay para sa kaligtasan sa kasaysayan ng U.S. Mabilis na tumutugon ang FDA at CDC kung ipinapakita ng datos na makakaapekto ang bakuna sa kalusugan kahit na pambihira ito.

Mas alamin ang tungkol sa kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Magtungo sa video ng CDC tungkol sa kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19 (YouTube) (sa English)


Mga bakuna habang buntis o nagpapasuso

Mahigpit na inirerekomenda ng CDC at ng mga eksperto na mabakunahan ang mga buntis, may planong mabuntis at nagpapasuso laban sa COVID-19.

Mga panganib ng COVID-19 habang buntis

Narito ang aming nalalaman tungkol sa mga panganib ng COVID-19 habang buntis at kung paano nakakatulong ang mga bakuna:

  • Mataas ang panganib na magkasakit ng malubha mula sa COVID-19 ang mga buntis. Ibig sabihin ng malubhang sakit ay ang pagkakaospital, kailangan ng respirador para makahinga o sakit na maaaring ikamatay. Mataas rin ang panganib na mapaanak ng kulang sa buwan.
  • Nagbibigay-proteksyon ang bakunang COVID-19 laban sa COVID-19. Kahit na magkaroon ka ng COVID-19, makakapagbigay-proteksyon ang bakuna laban sa malubhang karamdaman.
  • Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa isang nagdadalang tao o nagpapasuso ay maaaring magbigay ng proteksyon sa kanilang bagong silang. Maaaring mailipat ang ilang imunidad sa sinapupunan sa pamamagitan ng inunan at sa mga sanggol sa pamamagitan ng gatas ng ina.

Kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19 habang buntis o nagpapasuso

Narito ang aming nalalaman tungkol sa kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga buntis, may planong mabuntis o nagpapasuso:

  • Hindi mo kailangang masuri para malaman kung buntis bago mabakunahan laban sa COVID-19. Aprubado at awtorisado ng FDA ang mga bakuna laban sa COVID-19 na walang sangkap, sa aming pagkakaalam na ikasasama ng mga buntis o sa kanilang dinadala.
  • Naniniwala ang mga eksperto na ligtas ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga buntis o may planong mabuntis at sa kanilang dinadala. Ipinapahiwatig ng mga naunang datos para sa mRNA  COVID-19 na bakuna (Pfizer-BioNTech at Moderna) na walang mataas na panganib para makunan o makasama sa mga buntis o sa kanilang dinadala.
  • Naniniwala ang mga eksperto na ligtas ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga nagpapasuso at sa kanilang sanggol. Ipinapahiwatig ng mga naunang datos para sa mRNA COVID-19 na bakuna (Pfizer-BioNTech at Moderna) na walang mataas na panganib para sa mga nagpapasuso. Maaaring kailanganin mong itigil ang pagpapasuso para mabakunahan.

  • Walang ebidensiya na nakakaapekto ang bakuna laban sa COVID-19 sa pagkamayabong ng milyun-milyong nabakunahan sa ngayon. Kung nagplalanong kang mabuntis, maaari kang mabakunahan laban sa COVID-19. Kung nalaman mong buntis ka matapos mong mabakunahan ng unang dosis na nangangailangan ng 2 dosis, kailangang mo pa rin mabigyan ng ikalawang dosis.

  • Kung lalagnatin ka matapos mabakunahan, dapat kang uminom ng acetaminophen (Tylenol®). Ang lagnat, sa kahit anong kadahilanan habang buntis, ay iniuugnay sa masamang kahihitnan ng pagbubuntis.

Paalala: Sa mga kababaihang 50 taong gulang pababa, dapat ninyong malaman ang pambihirang panganib ng pamumuo ng dugo na may mababang bilang ng platelet pagkatapos tumanggap ng bakunang Janssen (Johnson & Johnson). Ang bakunang Janssen (Johnson & Johnson) ay dapat lamang maging isang opsyon para sa mga taong hindi makatanggap ng iba pang mga bakunang COVID-19.

Mas alamin ang tungkol sa Janssen na bakuna mula sa website ng CDC (sa English)

Mas maraming impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 at pagbubuntis

I-download ang aming pahina ng kaalaman tungkol sa COVID-19 at kalusugan ng kababaihan (PDF) (sa English)

Basahin ang payo sa kalusugan ng CDC sa mga bakuna at pagbubuntis sa website ng CDC (sa English)

Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 kapag buntis ang nagpapasuso sa website ng CDC (sa English)

Maaari rin makipag-usap sa nangangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa pagtanggap ng bakuna. Ang nangangalaga ng iyong kalusugan ang pinakamainam na mapagkukunan ng sagot sa iyong mga tanong tungkol sa iyong natatanging pangangailangan sa kalusugan.

Magpadala ng garantisadong ligtas na mensahe sa nangangalaga ng iyong kalusugan sa VA (sa English)


Mas maraming katotohanan tungkol sa mga bakuna laban sa  COVID-19

Ang bakunang Novavax ay ang parehong uri ng bakuna tulad ng ilan sa aming kasalukuyang mga bakuna sa shingle at trangkaso

Ang bakunang Novavax COVID-19 ay isang bakuna na "subunit ng protina", tulad ng ilan sa aming kasalukuyang mga bakuna sa shingle at trangkaso. Ginamit namin ang ganitong uri ng bakuna sa U.S. nang higit sa 30 taon.

Ang bakunang Novavax COVID-19 ay nagtuturok ng coronavirus spike protein mismo sa katawan upang mahikayat ang immune response. Sa kabaligtaran, ang mga bakunang mRNA (Pfizer, Moderna) at adenovirus vector (Janssen) sa COVID-19 ay nagtuturo sa ating katawan kung paano gawin ang spike protein upang magdulot ng immune response.

Hindi binabago ng mga mRNA na bakuna laban sa Covid-19 ang inyong DNA

Ang mga bakunang mRNA na poprotekta sa inyo laban sa COVID-19 ay hindi makapag-iiba sa inyong DNA. Ang mga bakunang ito ay gumagana sa labas ng nucleus ng inyong selula (kung saan naroroon ang inyong DNA). Tinuturuan ng mga bakuna ang inyong mga selula kung paano gumawa ng protina (protein) na magpapagana sa isang immune response. Pagkatapos, maghihiwal-hiwalay ang inyong mga selula at aalisin ang mRNA kapag naisagawa na ng mga ito ang lahat ng tagubilin.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga bakunang mRNA sa website ng CDC (sa English)

Hindi ka magkakaroon ng COVID-19 kung mababakunahan laban sa COVID-19

Ginagamit ng mga kasalukuyang bakuna laban sa COVID-19 at ng mga bakunang ginagawa pa, ang isa sa mga paraang ito:

  • Ang isang virus na hindi aktibo
  • Ang isang parte ng virus na hindi nakakasama
  • Ang isang gene mula sa virus

Wala sa mga ito ang nagdudulot ng COVID-19

Mas alamin kung paano gumagana ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Pinoprotektuhan kayo, ang inyong pamilya at ang inyong komunidad ng mga bakuna
Paano kayo pinoprotektuhan ng mga bakuna

Tinutulungan ng mga bakuna na sanayin ang natural na immune system ng inyong katawan na kilalanin at labanan ang isang espesipikong sakit, sa pamamagitan ng pag-uudyok ng reaksyon sa virus na nagdudulot ng sakit.

Kapag nakapasok ang isang virus sa inyong katawan sa unang pagkakataon, bumubuo ng depensa ang inyong immune system. Kasama dito ang paggawa ng antibodies na tumutulong na patayin o nyutralisahin ang virus. Kapag nalantad kayo ulit sa parehong virus, tinutulungan ng antibodies na ito ang inyong immune system na makilala at agad na labanan ang virus.

Mas alamin kung paano gumagana ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Paano pinoprotektuhan ng mga bakuna ang mga taong nakapaligid sa iyoPaano pinoprotektuhan ng mga bakuna ang mga taong nakapaligid sa iyo

Ang pagprotekta sa mga buong komunidad laban sa mga sakit na gaya ng COVID-19 ay isang mahalagang dahilan kung bakit dapat magpabakuna ang lahat. Tinatawag namin itong "immunity ng komunidad."

Kapag marami nang tao ang nabakunahan at magkaroon ng immunity sa isang partikular na virus, hindi na madali para sa virus ang kumalat sa bawat tao. Ang ibig sabihin nito ay hindi na masyadong mataas ang posibilidad na mahawahan ang lahat sa komunidad. Kahit na mahawahan pa rin ang iba, mas mababa na ang tsansang magka-outbreak na sanhi para magkasakit ang maraming tao sa komunidad nang sabay-sabay. Nakakatulong itong makapigil sa mga isyu na gaya ng agarang pangangailangan ng pangangalaga ng maraming tao, at kakulangan ng kama sa ospital o mga health care provider.

Ipinapakita ng datos na may ilang komunidad ang desproporsyonadong naapektuhan ng COVID-19. Kasama dito ang mga Black, Hispanic, Native American, Pacific Islander, at Asian na komunidad. Maaaring maprotektahan ng mga miyembro ng mga komunidad na ito ang kanilang mga pamilya at kaibigan sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Kailangan mong magpabakuna laban sa COVID-19 kahit nagkaroon ka na ng COVID-19

Ipinapakita ng datos na mula sa klinikal na pagsubok na ligtas ang awtorisadong bakuna sa COVID-19 sa mga taong nahawahan na na virus na nagdudulot ng COVID-19.

Kung kasalukuyan kayong may sakit dahli sa COVID-19, kailangan ninyong maghintay hanggang sa gumaling kayo, at hanggang sa tapos na kayo sa pagbubukod bago makapagpabakuna.

Magtungo sa website ng CDC para sa mga kasagutan sa mga karaniwang tanong tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 (sa English)

Ginawa at sinuri ng mga siyentipiko nang mabilis ang mga bakuna laban sa COVID-19 ngunit sumunod pa rin sa mga pag-aaral na hakbang ng FDA

Narito ang dapat mong malaman tungkol sa kung papaano nilikha ng mga siyentipiko ang bakuna para sa COVID 19 ng mabilisan:

  • Gumawa sila ayon sa mga naunang nilang gawa. Pinag-aaralan na ng mga siyentipiko ang mga bakuna nang higit 100 taon. Pinag-aaralan na ng mga siyentipiko ang teknolohiya para sa mRNA na mga bakuna nang higit 20 taon. At gumagawa na ng bakuna laban sa coronavirus ang National Institute of Health (NIH) bago pa man ang pandemyang COVID-19.

  • Nakuha nila ang pondong kailangan para sa mabilis na trabaho. Ang pandemyang COVID-19 ay isang pampublikong emerhensiya sa kalusugan. Kaya naman naglaan ng milyun-milyong dolyar ang gobyerno ng U.S. upang tumulong sa pag-aaral at pagsusui ng mga bakuna.

  • Gumamit sila ng mas mabilis na proseso sa pag-aaral gamit ang lahat ng parehong hakbang. Binigyan ng awtorisasyon ng FDA ang kasalukuyang mga bakuna laban sa  COVID-19 sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA). Sinusunod ng EUA ang parehong hakbang na ginagamit ng mga nakompletong klinikal na pagsubok. Kabilang dito ang pagsusuri ng bawat bakuna sa libu-libong mga taong kasali. Ang kaibahan lang ay pinabilis ng EUA ang proseso ng pag-aaral ng FDA. Nakatulong itong mapabilis ang pagbibigay ng mga kritikal na bakuna sa mga tao habang sinisiguradong ligtas at gumagana ang mga bakuna.

  • Isinali nila ang maraming eksperto sa pag-aaral ng datos. Pinag-aralan ng mga independiyenteng samahan ang mga resulta ng mga sumubok nito para siguraduhing ligtas ang mga bakuna. Kabilang dito ang samahang tulad ng National Medical Association, ang pangunahing samahan ng mga Itim na doktor.

Patuloy na sinusubaybayan ng FDA ang mga bakuna laban sa  COVID-19 kahit naaprubahan na.

Panoorin ang video ng FDA upang mas malaman ang tungkol sa proseso ng EUA (YouTube) (sa English)

Ligtas ang pagtanggap ng ilang bakuna sa loob ng parehong taon

Ang mga bakuna ay naglalaman ng parte ng mikrobyo o virus, mga patay na mikrobyo o pinahinang mikrobyo.

Ang layunin ng bakuna ay turuan ang ating katawang labanan ang mga totoong virus sa sandaling malantad tayo dito. Karaniwan tayong nalalantad sa libu-libong mikrobyo at gumagawa ang ating katawan ng mga panlaban dito. Ang mga bakuna ay ligtas na pamamaraan upang turuan ang ating katawang gumawa ng mga panlaban sa ilang mga mapanganib na virus tulad ng COVID-19. Ginagamit ng mga bakuna ang natural na panlaban ng ating katawan na madalas aktibo na dahil sa mga mikrobyo at virus.

Alam natin na ang kasalukuyang mga bakuna ay gumagana nang maayos upang maiwasan ang malubhang sakit at kamatayan mula sa COVID-19. Maaaring hindi gaanong epektibo ang mga ito sa pagpigil sa impeksyon habang umuusbong ang mga bagong variant.

Patuloy na pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang pagiging epektibo ng mga bakuna laban sa mga bagong variant. Kasalukuyang gumagawa din ang mga siyentipiko ng mga bakuna para sa COVID-19 na magta-target sa variant ng Omicron. Habang umuunlad ang agham ng bakuna, maaaring magrekomenda ang CDC ng mga na-update na mga booster ng bakuna. Hindi ka dapat pigilan nito na makakuha ng dosis ng bakuna sa COVID-19 ngayon kung kwalipikado ka.

Alamin kung paano makakakuha ng booster sa VA