Mga booster na iniksyon ng COVID-19
Nagbibigay kami ng mga bakuna ng COVID-19 sa mga karapat-dapat ng Beterano at miyembro ng pamilya nang walang bayad. Sumusunod kami sa patnubay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) patungkol sa booster na iniksyon ng COVID-19. Basahin ang pahinang ito para sa pinakabagong impormasyon.
Bakit mahalagang makibalita patungkol sa inyong bakuna laban sa COVID-19
Patuloy na nagbibigay-proteksiyon ang mga bakuna at booster sa mga bagong uri ng coronavirus (gaya ng Omicron). Ang pinakamabuting paraan para maprotektuhan ang inyong sarili at ang inyong pamilya ay ang laging makibalita patungkol sa inyong mga bakuna laban sa COVID-19. Kasama rito ang pagkuha ng makabagong booster na iniksyon na hindi bababa sa 2 buwan matapos makumpleto ang unang serye ng bakuna o makuha ang huling booster.
Narito ang kailngan ninyong malaman tungkol sa labis na pagtaas ng Omicron:
- Ang mga taong bakunado ay mas malamang na hindi magkasakit nang matindi o hindi mamatay kumpara sa mga taong hindi bakunado.
- Mas lalong protektado ang taong nagpa-booster.
Ang makabagong (bivalent) booster ay nagbibigay-proteksyon laban sa orihinal na klase ng virus at sa Omicron variant. Mas lalong magbibigay-proteksyon ang makabagong booster laban sa COVID-19.
Paalala: Ligtas na magpabakuna para sa trangkaso at para sa booster ng COVID-19 sa parehong
tipan.
Pagkuha ng booster na iniksyon
Inirerekomenda ng CDC sa karamihan ng mga taong na hindi bababa sa 6 na buwang gulang, na magpabakuna ng bagong booster (bivalent).
Kailan makukuha ang makabagong booster na iniksyon
Mag-aalok kami ng mga makabagong booster na iniksyon nang walang bayad. Kung kayo ay
karapat-dapat na Beterano o miyembro ng pamilya, makakakuha kayo ng makabagong booster
kung ang lahat ng mga sumusunod ay totoo sa inyo:
- Hindi ka pa nakakakuha ng pinaka-updated na bivalent booster (unang inalok noong Setyembre 2022), at
- Kayo ay hindi bababa sa 12 taong gulang, at
- Nakumpleto na ninyo ang serye ng unang bakuna, at
- Nakuha mo ang iyong huling dosis ng orihinal na bakuna sa COVID-19 nang hindi bababa sa 2 buwan ang nakalipas
Paalala: Awtorisado na ang bakunang Novavax bilang unang booster para sa mga taong 18 taong
gulang at pataas sa mga limitadong kaso. Makukuha mo ito 6 na buwan matapos ang unang serye ng
pangunahing bakuna kung wala ka pang natatanggap na booster. Hindi nakapagbibigay-proteksyon ang Novavax laban sa Omicron variant.
Paano makakuha ng booster sa VA
Kung kayo ay Beteranong nagpapatingin sa VA
Kung kayo ay nararapat na makakuha ng booster na iniksyon, makipag-ugnayan sa lokal na pangkalusugang pasilidad ng VA upang alamin kung paano mababakunahan. Maaaring alukin kayo ng pasilidad ng booster sa takdang tipan o walang takdang tipan.
Ano ang dapat alamin:
- Tiyakin na ang pasilidad ay may bakuna na nais ninyo bago magtungo. Hindi lahat ng pasilidad ng VA ay mayroong lahat ng klase ng bakuna sa ngayon. At maaaring iba-iba ang maibibigay na bakuna ng pasilidad sa iba’t-ibang panahon. Kung may katanungan tungkol sa aling bakuna ang makukuha, kausapin ang inyong pangkat na tagapangalaga ng kalusugan.
- Tingnan ang website ng pasilidad para sa mga oras na hindi kailangan ng tipan bago magtungo. Hindi lahat ng pasilidad ay nagbibigay ng oras para sa mga walang tipan. Maaaring paghintayin kayo habang inihahanda ng aming tauhan ang inyong bakuna.
- Dalhin ang iyong tala ng bakuna laban sa COVID-19.
- Sabay na magpabakuna para sa trangkaso. Ligtas na mabakunahan para sa trangkaso at para
sa booster ng COVID-19 sa parehong tipan.
Kung hindi ka nagpapatingin sa VA o kung natanggap mo ang serye ng mga bakuna sa labas ng VA
Kung kayo ay nararapat na makakuha ng booster na iniksyon, makipag-ugnayan sa lokal na pangkalusugang pasilidad ng VA upang alamin kung paano mababakunahan.
Ano ang dapat alamin:
- Tiyakin na ang pasilidad ay may bakuna na nais ninyo bago magtungo. Hindi lahat ng pasilidad ng VA ay mayroong lahat ng klase ng bakuna sa ngayon. At maaaring iba-iba ang maibibigay na bakuna ng pasilidad sa iba’t-ibang panahon. Kung may katanungan tungkol sa aling bakuna ang makukuha, kausapin ang inyong pangkat na tagapangalaga ng kalusugan.
- Tingnan ang website ng pasilidad para sa mga oras na hindi kailangan ng tipan bago magtungo. Hindi lahat ng pasilidad ay nagbibigay ng oras para sa mga walang tipan. Maaaring paghintayin kayo habang inihahanda ng aming tauhan ang inyong bakuna.
- Dalhin ang iyong tala ng bakuna laban sa COVID-19.
- Sabay na magpabakuna para sa trangkaso. Ligtas na mabakunahan para sa trangkaso at ng
booster ng COVID-19 sa parehong tipan.
Paano makakuha ng booster na iniksyon sa komunidad
Kung kayo ay nararapat na makakuha ng booster na iniksyon, makipag-ugnayan sa inyong pangunahing tagapangalang manggagamot o lokasyon na nagbabakuna laban sa COVID-19 sa inyong komunidad.
Hanapin ang malapit sa inyong bakunahan laban sa COVID-19 sa vaccines.gov (sa English)
Kung nagpapatingin kayo sa VA at nabakunahan kayo ng booster sa labas ng VA, hinihikayat namin kayong ipaalam ang impormasyong ito sa inyong pangkat na tagapangalaga ng VA.
Alamin kung paano makuha ang VA na tala ng bakuna laban sa COVID-19 sa online
Tungkol sa pagkuha ng isa pang booster
Ang makabagong (bivalent) booster ay nagbibigay-proteksyon laban sa orihinal na klase ng virus at sa Omicron variant. Mas lalong magbibigay-proteksyon ang makabagong booster laban sa COVID-19.
Ligtas na mabakunahan ng ilang beses sa isang taon. At ligtas na magpabakuna para sa trangkaso at para sa booster ng COVID-19 sa parehong tipan.
Ang mga bakuna ay naglalaman ng parte ng mikrobyo o virus, mga patay na mikrobyo o pinahinang mikrobyo. Ang layunin ng bakuna ay turuan ang ating katawang labanan ang mga totoong virus sa sandaling malantad tayo dito. Karaniwan tayong nalalantad sa libu-libong mikrobyo at gumagawa ang ating katawan ng mga panlaban dito.
Ang mga bakuna ay ligtas na pamamaraan upang turuan ang ating katawang gumawa ng mga panlaban sa ilang mga mapanganib na virus tulad ng COVID-19. Ginagamit ng mga bakuna ang natural na panlaban ng ating katawan na madalas aktibo na dahil sa mga mikrobyo at virus.